Lunod
Thursday, August 27th, 2009Minsan napapaisip ka na lang sa isang tabi,
At maaalala mong bigla kung sa’n nagsimula;
Kung kelan matatamis lang ang namutawi,
Ang mga salitang sa mga labi niyo nagmula…
Bigla ring papasok sa iyong isip ang panahon,
Mga panahong hinding-hindi malilimot;
Nagbabakasakaling makita ang inyong kahon,
Ng mga alaalang mga ngiti lamang ang sangkot…
Maya-maya pa’y maluha-luha na ang iyong paligid,
Na parang hindi na gumagalaw ang bawat segundo;
Ilang saglit pa’y umuulan na’t hindi mo na nabatid,
Nasa’n ang kahapong nagmula ang inyong mundo…
Nariyan lang at nakikinig sayo’ng puso ang kalangitan,
Wag kang mag-alala, di s’ya isang alaalang sayo’y mang-iiwan…